^

Probinsiya

Pamilya minasaker: 2 patay, 2 kritikal

-
CAMP CRAME – Malagim ang sinapit ng isang pamilya matapos na pagsasaksakin ng kamag-anak nilang dating CAFGU na ikinasawi ng dalawa nitong miyembro habang dalawa pa ang nasa kritikal na kondisyon sa naganap na masaker sa Kulasi, Antique kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Bienvenida Sayco, 53, at Annalyn Sayco, 19, samantalang kritikal sina Jeffrey Sayco, 11, at Cheryl Sayco.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Jodie Sayco, alyas Pato Bugnoy, dating kasapi ng Citizen’s Armed Forces Geographical Unit (CAFGU).

Base sa ulat, ang insidente ay naganap sa bahay ng pamilya sa Brgy. Valderama, Kulasi, Antique dakong alas-8 ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon, kasalukuyang nanonood ng telebisyon ang mga biktima nang biglang dumating ang suspek na armado ng patalim saka isinagawa ang krimen.

May teorya naman ang mga awtoridad na alitan sa lupa ang motibo ng pamamaslang habang patuloy ang imbestigasyon sa kaso. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ANNALYN SAYCO

ARMED FORCES GEOGRAPHICAL UNIT

AYON

BIENVENIDA SAYCO

CHERYL SAYCO

JEFFREY SAYCO

JODIE SAYCO

JOY CANTOS

KULASI

PATO BUGNOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with