^

Probinsiya

Simbahan grinanada: 6 grabe

-
CAMP AGUINALDO – Anim na sibilyan ang iniulat na malubhang nasugatan makaraang masabugan ng granada na inihagis ng mga hindi kilalang lalaki sa harapan ng simbahan ng Immaculate Concepcion Cathedral sa Cotabato City noong Martes ng gabi.

Dinala sa Cotabato Regional and Medical Hospital ang mga biktimang sina Elpidio Palolong, 51; Rosalinda Pasinlan, 30; Reynaldo Torebaya, 30; Edna Baroy, 43 at Noel Mangisay, 20 na pawang residente ng nasabing lungsod.

Batay sa ulat na isinumite kay Lt. Col. Daniel Lucero, AFP-PIO chief, bandang alas-7:45 ng gabi nang hagisan ng granada ang harapang pintuan ng nabanggit na simbahan na matatagpuan sa pagitan ng petshop at panaderya sa panulukan ng Makakua St. at Quezon Avenue, Cotabato City.

Tinamaan naman ng shrapnel ang mga biktima na naglalakad sa harapan ng nasabing simbahan habang ang iba naman ay nagpulasan at nagkaroon ng matinding tensyon ang mga residente na nakatira sa paligid ng simbahan.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng 6th Explosive Ordinace Division ng 6th Infantry Division at Cotabato City PNP para magsagawa nang masusing imbestigasyon.

Mariin namang sinabi ni Lucero na walang kinalaman sa terorismo ang naganap na pagsabog kundi kagagawan ng mga extortionist na hindi nabigyan ng malaking halaga kaya isinagawa ang pagpapasabog.(Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

COTABATO CITY

COTABATO REGIONAL AND MEDICAL HOSPITAL

DANIEL LUCERO

EDNA BAROY

ELPIDIO PALOLONG

EXPLOSIVE ORDINACE DIVISION

IMMACULATE CONCEPCION CATHEDRAL

INFANTRY DIVISION

JOY CANTOS

MAKAKUA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with