^

Probinsiya

10 rebelde todas sa bakbakan

-
CAMP AQUINO, Tarlac Sampung rebelde na pinaniniwalaang kumalas sa New People’s Army (NPA) na may operasyon sa Central Luzon ang iniulat na napatay makaraang makasagupa ang tropa ng militar sa Barangay Taposo, Candelaria, Zambales kamakalawa ng umaga.

Sa pahayag ni Lt. Col. Preme Monta, tagapagsalita ng Armed Forces Northern Luzon Command (Nolcom), ang bilang ng mga nasawing kasapi ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan (RHB) ay base na rin sa ulat ng mga residente ng nabanggit na barangay.

Ayon sa ulat, bitbit ng mga tumatakas na rebelde ang kanilang kabaro na nasawi sa engkuwentro at agad na inilibing sa mababaw na hukay para hindi madiskubre ng militar.

Pinangunahan ni Kumander Domingo Tarekan, alyas Ka Delfin, Ka Pepe at Ka Lakay ang banatan sa naturang lugar hanggang sa umatras ang grupo ng mga rebelde dahil na rin sa lakas ng puwersa ng 24th Infantry Battalion.

Narekober ng militar sa pinangyarihan ng engkwentro ang dalawang M-14 rifles, M-16, apat na granada, 305 bala para M60, 2-way radio, teleskopyo, 22 backpacks na naglalaman ng subersibong dokumento.

Ang RHB ay mahigpit na karibal ng New People’s Army sa pakikibaka laban sa gobyerno. (Ulat ni Benjie Villa)

vuukle comment

ARMED FORCES NORTHERN LUZON COMMAND

BARANGAY TAPOSO

BENJIE VILLA

CENTRAL LUZON

INFANTRY BATTALION

KA DELFIN

KA LAKAY

KA PEPE

KUMANDER DOMINGO TAREKAN

NEW PEOPLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with