^

Probinsiya

Kosa ni Ecleo nag-amok, todas sa jailguard

-
Isang kakosang preso ni dating San Jose, Dinagat, Island Mayor at Master Supreme ng kultong Philippine Benevolent Missionaries Association (PBMA) Ruben Ecleo Jr. ang nasawi matapos na barilin ng mga jail guards nang mag-amok ito sa loob ng kulungan dahil sa matinding depresyon sa natanggap na sentensya buhat sa korte, kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Avelino Edano, may kasong murder habang nasa malubhang kalagayan naman ang kapwa niya preso matapos na tamaan ng ligaw na bala ay nakilalang si Anastacio Ortiz, kapwa nakakulong sa Bagong Buhay Rehabilitation Center.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nabatid na nag-umpisang manggulo at manghabol ng saksak si Edano,gamit ang sipilyo na pinatulis dakong alas-9 ng umaga sa loob ng seldang kinasasadlakan din ni Ecleo.

Pinakiusapan ng mga rumespondeng jail guards ang suspek na tumigil sa kanyang pagwawala ngunit hindi ito nakinig at sa halip ay patuloy na nanghabol ng mga kasamahang preso.

Dito na binaril ng mga guwardiya si Edano habang aksidenteng tinamaan ng ligaw na bala si Ortiz. Hindi naman umano nasaktan sa naturang insidente si Ecleo dahil sa pinalibutan siya ng ibang mga preso upang protektahan ito sa nagwawala. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ANASTACIO ORTIZ

AVELINO EDANO

BAGONG BUHAY REHABILITATION CENTER

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

ECLEO

EDANO

ISLAND MAYOR

MASTER SUPREME

PHILIPPINE BENEVOLENT MISSIONARIES ASSOCIATION

RUBEN ECLEO JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with