^

Probinsiya

2 Barangay Chairman itinumba sa pistahan

-
BALATAN, Camarines Sur – Dalawang barangay chairman na magkasamang nag-iinuman sa idinaraos na kapistahan ang pinagbabaril ng tatlong kalalakihan na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng malubha ng isa pa sa Barangay Cabungan sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

Ang biktimang nasawi ay nakilalang si Felix Azur, isang brgy. chairman sa Barangay. Cabanbanan, samantala, ang nasa kritikal na kondisyon na ngayon ay nasa Bicol Medical Center ay nakilalang si Rolando Mediado, 37, binata at brgy. chairman ng Brgy. Cabungan.

Matapos isagawa ang krimen ay mabilis na tumakas ang mga suspek na sina Elmer Roman, Tisoy Tianes ng Brgy. Cabungan at Ebot Balagat ng Brgy. Cabanbanan ng naturang bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, inimbitahan ang nasawing brgy. chairman ni Mediado sa kanilang kapistahan kaya pinaunlakan naman ng biktima.

Habang magkasamang nag-iinuman sa labas ng bahay kasama ang ilang bisita ay biglang lumapit na lamang ang mga suspek at nagsimulang ratratin ang dalawang biktima bandang alas-4 ng hapon.

Nagpanakbuhan naman ang mga bisita upang magkubli saka sinamantala ng mga suspek na palakad na tumakas na parang walang nangyari sa hindi nabatid na direksyon.

May palagay ang pulisya na may kinalaman ang krimen sa muling pagkandidato ng dalawang magkaibigang brgy. chairman sa darating na halalan sa Hulyo. (Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY CABUNGAN

BICOL MEDICAL CENTER

BRGY

CABANBANAN

CABUNGAN

CAMARINES SUR

EBOT BALAGAT

ED CASULLA

ELMER ROMAN

FELIX AZUR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with