8 NPA rebels nalambat ng militar

CAMP AGUINALDO – Walong rebeldeng New People’s Army (NPA) ang napaulat na nalambat ng tropa ng 17th Infantry Battalion ng Phil. Army sa isinagawang raid sa Sitio Vera, Brgy. Aloa, Tineg, Abra kamakalawa ng hapon.

Pansamantalang di muna ibinulgar ang mga pangalan ng nadakip na rebelde sa kanilang pinagkukutaan na sinalakay at pinaligiran ng tropa ng militar dakong alas-3:30 ng hapon.

Nakumpiska sa mga rebelde ang 5 M16 armalite rifles, M14, M653 SMG, carbine rifle, HM shotgun at 7 magazine ng M16.

Kasalukuyang sumasailalim sa tactical interrogation ang mga rebelde na hindi nakapalag nang biglang salakayin ng militar ang kanilang safehouse sa nabanggit na barangay. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments