Bagyong 'Basyang' nagbabanta sa Luzon, Visayas

Patuloy na nagbabanta ang bagyong Basyang sa Southern Luzon at Visayas area, ayon sa latest monitoring ng PAGASA.

Ang sentro ni Basyang ay namataan sa layong 790 kilometro ng silangan ng Guiuan, Eastern Samar o 1,200 kilometro silangan hilagang-silangan ng Legaspi City taglay ang pinakamalakas na hanging 160 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso hanggang 195 kilometro bawat oras.

Ngayong Martes ng umaga, si Basyang ay inaasahang nasa layong 450 kilometro silangan ng Guiuan Eastern Samar o 690 kilometro ng silangan hanggang silangan ng Legaspi City.

Ang babala ng bagyo bilang isa ay nanatiling nakataas sa buong Northern at Eastern Samar at ang baybayin nito ay mapanganib sa mga sasakyang pandagat.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang PAGASA sa local disaster coordinating councils para sa kaukulang ayuda at pagbibigay-babala sa mga residenteng maapektuhan ng bagyo. (Ulat ni Angie dela Cruz)

Show comments