^

Probinsiya

Bungangerang misis, binoga ng mister na pulis

-
Nahaharap ngayon sa kasong parricide ang isang pulis matapos nitong mabaril at mapatay ang kaniyang misis dahil umano sa sobrang pagka-bungangera nito sa loob ng kanilang bahay sa Tuguegarao City, ayon sa ulat kahapon.

Ang biktima na kinilalang si Catherine Adduru, 25, ay nagtamo ng isang tama ng bala sa kaliwang sentido at namatay habang ginagamot sa Cagayan Valley Medical Center.

Nakilala naman ang suspek na boluntaryong sumuko sa Tuguegarao City Police Station na si PO2 Arnel Adduru, 32, miyembro ng nasabing istasyon ng pulisya.

Batay sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, naganap ang krimen dakong alas-8 ng gabi sa Soldiers Hills, Brgy. Caggay, Tuguegarao City.

Napag-alaman sa imbestigasyon na ikinagalit ng biktima ang pag-uwi ng suspek sa itinakda nitong dapat ay alas-7 ng gabi ay dapat nasa bahay na ito para magsalong silang mag-anak sa hapunan.

Katutuntong pa lamang umano ng paa ni Adduru sa bahay ay agad umano itong tinalakan ng biktima at upang makaiwas sa pagtatalo ay minabuti muna nitong maligo muna.

Ikinagalit ng biktima ang pagsasawalang kibo ng asawa at kinuha ang 45 service pistol ng kanyang asawa at tinutukan ito habang nagbibihis.

Sa puntong ito ay natakot ang suspek sa ginawa ng biktima kaya naman ay pilit na inagaw ang baril sa asawa at aksidente umano itong pumutok na tumama sa kaliwang sentido ng huli. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

ADDURU

ARNEL ADDURU

BATAY

CAGAYAN VALLEY MEDICAL CENTER

CAMP CRAME

CATHERINE ADDURU

JOY CANTOS

SOLDIERS HILLS

TUGUEGARAO CITY

TUGUEGARAO CITY POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with