^

Probinsiya

Trike driver tinodas sa pagteybol ng babae

-
PULILAN, Bulacan – Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang tricycle driver ng selosong obrero makaraang magselos sa ka-table na babae ng biktima sa loob ng videoke bar sa Brgy. Tabon ng bayang ito kamakalawa.

Ang biktima na hindi na umabot pa ng buhay sa ospital ay nakilalang si Renato Pontecha, may asawa ng nabanggit na barangay, samantala, ang suspek na ngayon ay pinaghahanap ng pulisya ay kinilalang si Anastacio Manglangit, 30, may asawa, isang stay-in-worker sa piggery farm sa Brgy. Dampol 1 ng naturang lugar.

Nabatid sa inisyal na ulat na isinumite kay P/Chief Insp. Ramon Bitibit, Jr., hepe ng pulisya sa bayang ito, naganap ang krimen dakong alas-11 ng gabi makaraang magselos ang suspek sa ka-table na babae ng biktima sa loob ng Bojo’s videoke bar sa naturang lugar.

Ayon pa sa ulat, minasama ng suspek ang pagtanggi ng babae na tumabi sa kanyang mesa upang maka-table bagkus ay umupo sa mesa ng biktima. Inabangan ng suspek na lumabas ang biktima saka inundayan ng sunud-sunod na saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan na ikinasawi nito. (Ulat ni Efren Alcantara)

vuukle comment

ANASTACIO MANGLANGIT

AYON

BRGY

BULACAN

CHIEF INSP

DAMPOL

EFREN ALCANTARA

INABANGAN

RAMON BITIBIT

RENATO PONTECHA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with