^

Probinsiya

Nakasagi ng kotse tinodas

-
SILANG, Cavite – Isang tricycle driver na nakasagi ng isang mamahaling kotse ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng may-ari ng sasakyan makaraang makipagtalo sa kahabaan ng Maguyam Road sa bayang ito kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Alfredo Unor, 46, may asawa ng Sitio Hanopol, Brgy. Kaong ng bayang ito.

Samantala, ang suspek na ngayon ay tinutugis ng pulisya ay nakilalang si Nilo Reyes, may sapat na gulang ng Brgy. 1 ng naturang lugar.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya, naganap ang krimen bandang alas-11:30 ng umaga makaraang masagi ng biktima na nagmamaneho ng tricycle ang Honda Civic ng suspek na may plakang TCT-888.

Dahil sa pangyayari ay kinompronta ng suspek ang biktima hanggang sa mauwi sa suntukan ang dalawa.

Nabatid pa sa impormasyong nakalap ng pulisya, natalo ang suspek sa suntukan at napahiya sa mga nakasaksi sa pangyayari kaya nagbunot ito ng baril at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima. (Ulat nina Mading Sarmiento at Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

ALFREDO UNOR

BRGY

CAVITE

CRISTINA GO-TIMBANG

DAHIL

HONDA CIVIC

MADING SARMIENTO

MAGUYAM ROAD

NILO REYES

SITIO HANOPOL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with