^

Probinsiya

Ama minasaker ang pamilya bago nag-suicide

-
MANDAON, Masbate – Malagim na krimen ang ginawa ng isang ‘baliw’ na mister sa kanyang misis at dalawang anak makaraang pagtatagain at pagsasaksakin hanggang sa mapatay ang mga ito habang natutulog sa kanilang bahay sa Sitio Ilaya sa bayang ito kamakalawa.

Ang mga biktima na nagmistulang kinatay ay nakilalang sina Maria Penis, 38, at ang dalawang anak na sina Liezel, 10 at Ledemar, isang taong gulang.

Samantala ang mister na matapos mapatay ang kanyang mag-ina ay nag-suicide sa pamamagitan ng pagbibigti ay nakilalang si Democrito Penis, 40, magsasaka at residente ng nabanggit na barangay.

Batay sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang malagim na krimen bandang alas-11:10 ng gabi sa loob ng bahay ng pamilya Penis.

Sa impormasyon nakalap ng pulisya sa mga kapitbahay ng pamilya, nakarinig na lamang sila ng sigawan at iyakan sa loob ng bahay ng pamilya Penis subalit binalewala dahil sa malimit mangyari ang ganoong sigawan.

Makaraan ang may ilang minuto ay tinungo ng ilang kapitbahay ang pinangyarihan ng krimen at bumulaga sa kanila ang mga mag-iina na naliligo sa sariling dugo habang ang suspek ay nakabitin sa kisame ng kanilang bahay.

Napag-alaman pa ng pulisya na ang mister ng pamilya ay may sayad na simula pa noong bata at hanggang sa magbinata at mag-asawa ay paminsan-minsan sinusumpong.

May teorya ang pulisya na sinumpong ang suspek kaya nagawa ang karumaldumal na krimen. (Ulat ni Ed Casulla)

vuukle comment

BATAY

DEMOCRITO PENIS

ED CASULLA

LEDEMAR

LIEZEL

MAKARAAN

MALAGIM

MARIA PENIS

MASBATE

SITIO ILAYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with