^

Probinsiya

Trabahador ng gobyerno todas sa atake ng MILF rebels

-
LANAO DEL NORTE – Tatlong construction workers ang iniulat na nasawi makaraang atakihin ng hinihinalang mga miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang government project sa bayan ng Matungao sa nabanggit na lalawigan.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Rito Dala at Charlito Taponsan, kapwa ng Camague, Iligan City at Leonardo Narabi ng Matampay, Matungao.

Tatlo pang kasamahan ng mga biktima ang iniulat na nakatakas sa tiyak na kamatayan, subalit isa sa mga ito ay tinamaan din sa hita, ayon sa ulat ng pulisya.

Binanggit sa ulat na dakong alas-9 ng gabi nang kumatok sa pinto ng isang paaralan na malapit sa construction site ang mga armadong suspect. Ito umano ang ginagamit na tulugan ng mga construction workers.

Matapos buksan ng isa sa mga biktima ang pinto ay sinalubong na sila ng walang habas na pamamaril.

Tatlo sa mga manggagawa ang agad na namatay, habang ang tatlo ay nakatalon sa bintana.

Hindi pa mabatid kung ano ang motibo sa isinagawang pagsalakay. (Ulat ni Lino dela Cruz)

vuukle comment

BINANGGIT

CAMAGUE

CHARLITO TAPONSAN

ILIGAN CITY

LEONARDO NARABI

MATUNGAO

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

RITO DALA

TATLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with