4 katao tepok sa road mishap
MANILA, Philippines — Apat katao ang nasawi kabilang ang isang 86-anyos na matandang babae at tatlong motorcycle riders sa magkakahiwalay na aksidente sa lansangan sa lalawigan ng Quezon.
Sa report ng Police Regional Office (PRO) IVA, dalawang motorcycle riders ang nasawi makaraang aksidenteng sumalpok ang sinasaktan nilang motorsiklo sa isang poste sa tabi ng highway ng Brgy.Mayao Crossing, Lucena City, alas-12:20 ng madaling araw nitong Martes.
Bago ito noong Lunes ay nasagasaan naman ng isang humahagibis na mini van ang isang 86-anyos na matandang babae habang tumatawid? sa pedestrian lane sa provincial road ng Brgy. Cawayanin, Pitogo na agad nitong ikinasawi.
Sa nasabi ring araw ay isa pang motorcycle rider ang nasawi naman nang tangkaing mag-overtake sa isang bus sa kahabaan ng national road sa Brgy. 10, Catanauan, ala-1:20 ng hapon.
Ang biktima na isang guro ay tumilapon at nasagasaan pa ng bus sa nasabing insidente.
- Latest















