^

Police Metro

WFH at carpooling itinutulak sa Senado

Mer Layson - Pang-masa
WFH at carpooling itinutulak sa Senado
Stock photo shows a home office setup
Image by Luis Ricardo Rivera from Pixabay

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni Senator Erwin Tulfo ang muling pagpapatupad ng work-from-home (WFH) setup at ride-sharing schemes upang matulungan ang mga manggagawa na makatipid sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo sa bansa.

“Kung hindi naman kailangan ang pisikal na presensya o aktibidad ng manggagawa sa trabaho, bakit di na lang magreport online?.Halimbawa ang mga nasa opisina sa planning, research, admin, customer service at iba pang kahalintulad na trabaho ay pwede na mag-work from home”, wika ni Tulfo.

Nagawa naman ito noong pandemic at epektibo naman maging ang pagtuturo sa mga mag-aaral noong panahon ng covid ay online.

“Kung kailangan ang presensya sa trabaho tulad sa manufacturing, hotel at restaurant, o sa ospital pwedeng isang sasakyan na lang ang mga magkakatrabaho at hati-hati na lang sa gas”, dagdag pa ni Tulfo.

Maaari rin umanong mag-book ang mga magkaka-opisina sa ride hailing app at hati-hati na lang sa pamasahe.

“With these steps that we have tried before makakatipid ang mga manggagawa” anang mambabatas.

WFH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with