^

Police Metro

Delivery rider, arestado sa ‘holdup me’

Doris Franche-Borja - Pang-masa

P300K tinangay para makapagsabong

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga otoridad ang isang lalaking delivery rider sa pagtangay ng higit P300K na pera ng kumpanya na kanyang ipinangsabong, naganap sa Quezon City.

Ayon sa imbestigasyon, itinakbo umano ng nasabing rider ang perang ire-remit sana nito sa kanilang kompanya.

Base sa ulat ng La Loma Police Station, kamakailan lamang ay nanghingi sa kanila ng saklolo ang delivery rider matapos umano itong maholdap, ngunit napag-alaman din nilang gawa-gawa lamang ito ng suspek sapagkat naipatalo na ng rider ang pera sa sabong.

“Nang pinuntahan ng follow-up operatives natin ‘yong area at ni-review ‘yong CCTV, nakita na wala naman pa lang nangyari doon sa area. Tinutukan daw siya ng baril pagholdap sa kaniya, tapos binigay nya ‘yong nakuha niyang pera, amounting to P326,000. ‘Yon pala gawa-gawa niya lang,” anang pulisya.

“Umamin po siya na nadispalko ‘yong pera at ginamit pangsabong. Ina­min po niya ito sa kaniyang manager,” dagdag pa nila.

May narekober pa mula sa suspek na halos P11,000 sa suspek at ilang piraso ng mga alahas.

Dahil dito, sinampahan na ng “qualified theft” ang 33-anyos na delivery rider na nasa kustodiya ng La Loma Police Station.

ARESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with