^

Police Metro

Marcos bibiyahe sa Brunei, Singapore

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bibiyaheng Brunei at Singapore si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa susunod na linggo Mayo 29-31.

Sa pre-departure briefing sa Malacañang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesperson Maria Teresita Daza na inimbitahan ang Pangulo ni Sultan Hassanal Bolkiah para sa isang state visit sa May 28-29.

Kukumustahin din ng Pangulo ang mga Pilipino sa Brunei na tinayang nasa 25,000 na naninirahan sa naturang bansa.

Makikipag pulong din ang Pangulo sa business sector para ma-promote ang trade at investments relations sa pagitan ng Pilipinas at Brunei Darussalam.

Mula sa Brunei ay didiretso naman ang Pa­ngulo kasama si First Lady Lisa Marcos sa Singapore para magsalita sa 2024 International Institute for Strategic Studies o IISS Shangri-La Dialogue.

Ang IISS Shangri-La Dialogue ay mahalagang pagpupulong sa Asya na nakasentro sa mga usaping pang-seguridad hindi lang sa rehiyon kundi sa buong mundo.

vuukle comment

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with