^

Police Metro

Trahedya ng love triangle mister todas sa ex-lover ni misis

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 43-anyos na mister ang idineklarang dead on arrival sa ospital matapos na saksakin ng isang lalaki na dating lover ng kanyang misis, naganap kamakalawa ng gabi sa Brgy. Manresa, Quezon City.

Kinilala ang nasawing biktima na si John Brian Pesadero Diason, habang pinaghahanap naman ang suspek na si Rogelio Utura Advincula, 58, ng No. 24 Biak na Bato St., ng nasabing barangay.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, alas-11:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa No. 41 Dagot St., Barangay Manresa, Quezon City.

Sa salaysay sa pulisya ng misis ng biktima na si Mary Grace Velasco na ang kanyang dating live in partner ang suspek ang pumasok sa kanilang bahay.

Natutulog siya sa labas ng kanilang bahay nang magising sa komosyon at nakita niya na lumabas ng kanilang bahay si Advincula na may bahid ng dugo  sa mukha at kamay habang hawak ang isang kutsilyo habang nakita niya ang biktima na naliligo sa sariling dugo.

Agad niyang dinala ang biktima sa ospital, subalit binawian din ng buhay dahil sa tama ng saksak sa dibdib.

Hinala ng pulisya na selos ang motibo ng pagpatay sa biktima ng suspek na tinutugis ng mga otoridad at kakasuhan ng murder.

vuukle comment

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with