^

Police Metro

Lalaki binoga sa mukha ng kainuman, utas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang lalaki nang barilin ng dalawang beses ng kaniyang kainuman sa mukha, naganap sa Tondo, Maynila, kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Jonathan Belen habang mabilis namang nakatakas ang salarin na si Nomer Mendoza.

Sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, mag-aalas-11:00 ng umaga nang maganap ang krimen sa isang barung-barong, na nasa tabi ng riles, sakop ng Barangay 152, sa Tondo.

Sa kuha ng CCTV, makikitang nag-iinuman ang ilang lalaki kabilang ang biktima at suspek sa naturang lugar.

Maya-maya, tumayo ang biktima at suspek at nang magkasalubong ay bigla nang binaril ng suspek ang biktima sa mukha.

Matapos ang krimen ay kaswal lang umano na naglakad ang suspek, palayo sa crime scene.

Ang suspek na si Mendoza ay sinasabing dati na umanong nabilanggo dahil sa kasong may kinalaman sa paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at paglabag sa gun ban na may kinalaman sa Omnibus Election Code.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with