^

Police Metro

China nagpadala na ng 30 barko sa Scarborough Shoal

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na malalaking barko ng China Coast Guard (CCG) at 26 maritime militia ang ipinadala ng China upang harangin ang civilian mission convoy na nagpaplanong maglayag sa Scarborough Shoal upang maglagay ng mga boya sa nasabing teritoryo sa darating na May 15-17.

Ito ang nabatid kahapon ni Ray Powell, Director of SeaLight (Maritime Monitoring) sa mensaheng ipinoste nito sa X, dating Twitter kung saan plano ng CCG at Chinese maritime militias na harangin ang tinatayang dalawang malalaking bangka ng Atin Ito Coalition at 1,000 pang mga bangka ng mga mangingisda na nakiisa sa nasabing misyon.

Inihayag ni Powell na ito ang pinakamala­king blockade ng China sa Scarborough Shoal kung saan agresibo nitong inaagaw sa Pilipinas ang Scarborough Shoal na nasa 124 na milya lamang ang layo sa Masinloc, Zambales.

Ayon naman kay Rafaela David, co- Convenor ng Atin Ito Coalition na walang atrasan at tuloy ang kanilang paglalayag patungo sa Scarborough Shoal sa kabila ng presensiya ng mga barko ng China sa naturang teritoryo. Ang mga orga­nizers ng volunteer convoy ay magdadala naman ng pagkain at fuel sa mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc.

Nabatid na ito ang ikalawang pagkakataon  na maglalayag ang Atin Ito Coalition patungong Scarborough Shoal upang igiit ang karapatan ng mga Pilipino sa soberanya.

Magugunita na noong 2012 ay inagaw ng China ang hurisdiksiyon sa lagoon sa Scarborough Shoal matapos naman ang standoff sa pagitan ng China Coast Guard at ng Philippine Coast Guard.

vuukle comment

SCARBOROUGH SHOAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with