^

Police Metro

MILF commander todas sa pamamaril

John Unson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang commander ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang duguang bumulagta matapos pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan paglabas mismo nito sa isang hotel noong Miyerkules ng hapon sa Cotabato City.

Dead-on-the-spot ang biktima na kinilalang si MILF commander Abdulrahman Kasid at da­ting municipal councilor sa Mamasapano, Ma­guindanao del Sur.

Sa inisyal na report ng Cotabato City Police Office at Police Regional Office-Bangsamoro Autonomous Region, dumalo ang biktima sa aktibidad ng ministry ng Bangsamoro government na ginanap sa function facility ng Em Manor Hotel sa nabanggit na lungsod.

Paglabas ng biktima sa hotel, agad itong pinagbabaril ng gunman na kabilang sa ilang armadong kalalakihan sakay ng pick-up truck.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi malamang direksyon.

Nagpapatuloy ang ginagawang masusing imbestigasyon ng mga otoridad para sa pagkakakilanlan sa mga suspek at motibo sa krimen.

Inaalam na ng mga otoridad kung may kinalaman sa politika at naganap na engkwentro kamakailan na kinasasangkutan ng ilang grupo ng MILF.

vuukle comment

MILF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with