^

Police Metro

Lider, miyembro ng ‘transgender’ kidnapping group, naaresto

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang lider at isang miyembro ng notoryus na Warla Kidnapping Group ang inaresto ng mga otoridad sa Brgy. Tetuan, Zamboanga City.

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng korte sa kasong Kidnapping for Ransom with Serious Illegal Detention, inaresto ng mga tauhan ng CIDG ang lider ng grupo na si alyas “Mikey” at kasamahan nitong si alyas “Nilben”.

Ito ay may kaugnayan sa kinasangkutan ng grupo sa kasong pagdukot sa mga foreign national partikular sa isang Taiwanese national na nasagip ng mga otoridad noong Set­yembre 2022 sa Pa­rañaque City na nagresulta naman sa pagkakaaresto ng lima nilang miyembro ng naturang grupo.

Ayon sa CIDG, ang Warla Group ay binubuo ng mga magagandang transgender women na nag-ooperate sa Southern part ng Metro Manila.

Dito ay  dinudukot ng grupo  ang kanilang mga nakaka-date na kadalasan ay empleyado ng POGO at mga negosyante.

Hinihingan umano ng mga suspek ng pera ang pamilya at kaibigan ng mga biktima kapalit ng kalayaan ng mga ito na ginagamit naman nila sa kanilang sex reassignment surgery o “sex change”.

vuukle comment

KIDNAPPING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with