Drivers na apektado ng PUVMP handang tulungan ng DSWD

Passenger jeepneys continue to operate and wait for commuters along the Rizal Avenue Extension in Caloocan City amid the three-day transport strike on April 29, 2024.
The STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na handa na silang magbigay ng tulong sa mga jeepney drivers na apektado ng ipinatutupad na Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan.

Ayon kay DSWD Asst. Secretary for Disaster Response Management Group (DRMG) Irene Dumlao, handa na ang ahensiya na magkaloob ng tulong sa mga driver na apektado ng naturang programa kahit wala pa silang natatanggap na request sa ngayon para rito.

Aniya, ang DSWD ay handang magkaloob sa mga PUV drivers ng interventions tulad ng pagkakaloob ng pagkain at cash assistance sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) at livelihood program sa ilalim ng Sustainable Livelihood Program (SLP).

“Kung sila ay pasok doon sa mga eligibility requirements under our SLP, sila ay nasa ating listahan, ‘yung talaan ng mga mahihirap, or sila ay kabilang doon sa mga miyembro rin ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program, sila ‘yung mga priority natin na mabigyan ng tulong under the SLP,” dagdag ni  Dumlao.

Sa ilalim ng PUVMP, aalisin nito sa mga kalsada ang mga lumang pampasaherong sasakyan tulad ng pampasaherong jeep na may 15 taon na at pataas.

Show comments