‘Carless Sundays’ sa Roxas Blvd. ipatutupad simula Mayo 5

MANILA, Philippines — Ipagbabawal na ang pagdaan ng mga sasakyan sa northbound at southbound lane ng Roxas Boulevard, sa bahagi ng Maynila sa tuwing araw ng Linggo.

Ito’y batay sa naipasang city ordinance ng Manila City Council (MCC) na magbabawal sa lahat ng uri ng motorized vehicle sa north at southbound lane ng Roxas Boulevard sa nasabing araw.

Sa ilalim ng naturang ordinansa, magsisimula ang pagpapatupad ng ban mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng ­umaga sa kahabaan ng Roxas Boulevard mula Padre Burgos Avenue hanggang Quirino Avenue.

Sinabi ni Manila City Sixth District Councilor Salvador Philip Lacuna, ang may akda ng ordinansa sa ika-130 regular session ng MCC, mahalaga ang pagkakaroon ng “fit at healthy lifestyle” kaya niya ito inihain. Ikinuwento niya ang naging karanasan noong kabataan niya, na habang nagbibiskleta sa kahabaan ng Roxas Blvd. ay nasasaksihan niya ang sikat na Manila Bay Sunset.

Bukod sa makakapag-ambag aniya ito sa environmental protection program ng lungsod, makatutulong pa ito sa malusog at maayos na pangangatawan ng komunidad.

“The ordinance was practically patterned after the “car-free or carless days” in certain metropo­litan cities such as Paris, New York, Vancouver etc. It was also tried in nearby cities such as Makati and Pasig,” saad ng MCC.

Show comments