^

Police Metro

Seguridad sa pamilya ni Jemboy, tiniyak ng Navotas police

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Seguridad sa pamilya ni Jemboy, tiniyak ng Navotas police
This photo shows a picture of the parents of Jemboy Baltazar with Sen. Risa Hontiveros on February 28, 2024.
Risa Hontiveros / Facebook

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Navotas City Police ang patuloy na pagbibigay ng seguridad sa pamilya ng napaslang na binatang si Jemboy Baltazar.

Ito’y matapos ang ini­labas na hatol ng hukom sa anim na pulis na sangkot sa pamamaril sa binata dahil sa ‘mistaken identity’.

Ayon kay Navotas City Police Station Chief PCol Mario Cortes, batid nito ang pangamba sa seguridad ng pamilya ni Jemboy.

Kaya naman, inatasan na rin nito ang Substation 4 personnel sa pangunguna ni PCpt. Ivan Rinquejo na tutukan ang kanilang kaligtasan at mabigyan sila ng kaukulang seguridad sa anumang oras ng kanilang pangangailangan.

Dagdag pa nito, handang magbantay ang pulis sa kanilang kaligtasan 24/7.

Kasunod nito, sinabi naman ng Navotas City Police na ito ay nakikiisa sa nakamit na hustisya ng pamilya na iginawad ng hukuman.

Una nang tiniyak ng DOJ na iaapela pa nito ang desisyon ng korte laban sa mga pulis sa kaso ni Jemboy Baltazar.

vuukle comment

JEMBOY BALTAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with