^

Police Metro

Sen. Imee pinapanagot sa pagtapyas ng P13 bilyong pondo para sa 4Ps

Joy Cantos - Pang-masa
Sen. Imee pinapanagot sa pagtapyas ng P13 bilyong pondo para sa 4Ps
Senator Imee Marcos on January 31, 2024.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Dapat umanong magpaliwanag at managot si Sen. Imee Marcos sa ginawa nito umanong pagtapyas ng P13 bilyong pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Prog­ram (4Ps) para sa taong 2023.

Ginawa ni  Deputy Majority Leader at Tingog Partylist Rep. Jude Acidre ang pahayag matapos aminin ni Sen. Marcos na inirekomenda niya na bawasan ang pondo ng 4Ps na nasa ilalim ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Magugunita na sinabi ni Sen. Marcos na ini­rekomenda nito ang pag­lilipat ng P8 bilyong pondo ng 4Ps sa iba pang programa ng DSWD gaya ng supplemental feeding, KALAHI-CIDSS, Quick Response Fund para sa mga kalamidad, at AICS sa kasagsagan ng pagtalakay sa 2023 national budget noong 2022.

Ayon pa kay Acidre, marahil ay nakalimutan ng senadora na ang 4Ps ay hindi lang basta isang programa ng pamahalaan bagkus ay isang batas sa ilalim ng Republic Act (RA) No. 11310 o 4Ps Act.

“I think the good senator has also forgotten that 4Ps is not just a program of government. It is actually a law. In fact, sa implementation ng batas, ‘yun ‘yung may stages ng Listahanan 1, Listahanan 2. Hindi po ito arbitary (action) ng DSWD na gusto lang magkaroon ng 4Ps,” sabi ng kinatawan ng Tingog. Una nang isiniwalat ni Ako Bicol Partylist Rep. Jil Bongalon, vice chair ng House Committee on Appropriations, na halos 900,000 pamilya o 4.3 milyong Filipinos na kabilang sa pinakamahihirap ang hindi nakatanggap ng kanilang ayuda dahil tinap­yasan ng P13 bilyon ang 4Ps.

vuukle comment

IMEE MARCOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with