^

Police Metro

Sanggol ipinahawak ng lolo, tinangay!

Danilo Garcia - Pang-masa
Sanggol ipinahawak ng lolo, tinangay!
Sa salaysay ni Mercado, ipinagkatiwala niya sa kaniyang ama ang kaniyang sanggol para makapasok siya sa trabaho nitong nakaraang Biyernes.  Nagtungo umano sa isang malapit na parke ang ama at doon nakakuwentuhan ang isang babae.
Image by Christian Abella from Pixabay

Babaeng suspek tugis ng MPD

MANILA, Philippines — Nagkasa ang opera­syon ang Manila Police District (MPD) para tugisin at matukoy ang babaeng tumangay sa isang sanggol na ipinahawak lang saglit sa kanya ng lolo nito, kamakailan sa Ermita, Maynila.

Dumulog nitong Biyernes ng gabi sa Ermita Police Station 5 si Alpha Mercado, ina ng 7-buwang sanggol, at inireport ang ginawang pagtangay sa kaniyang anak.

Sa salaysay ni Mercado, ipinagkatiwala niya sa kaniyang ama ang kaniyang sanggol para makapasok siya sa trabaho nitong nakaraang Biyernes.  Nagtungo umano sa isang malapit na parke ang ama at doon nakakuwentuhan ang isang babae.

Sinabi ng kaniyang ama na ipinahawak muna niya ang sanggol sa babae para siya ay makapagbanyo.  Nang bumalik siya, hindi na niya makita ang babae at ang kaniyang apo.

Alas-2:30 ng hapon nang tawagan ng isang kaanak si Mercado sa kaniyang trabaho para sabihin na nawawala ang kaniyang anak.  

Sa nakalap na CCTV footage ng pulisya, nakuhanan ng video ang babae na tangay-tangay ang sanggol.

Ayon pa kay Mercado, nakausap niya ang suspek na gumagamit ng dummy account sa Facebook at nakikiusap siya na isaoli ang anak makaraang mag-viral agad ang post nila.  Sinabihan umano siya ng babae na ipinaampon sa kaniya ang sanggol na itinanggi naman ng ina.

Tiniyak ni PLtCol. Wilfredo Fabros, hepe ng Ermita Police Station, na tututukan nila ang kaso hanggang sa mabawi ang sanggol.  May mga kuha umano ng CCTV na ma­linaw ang hitsura ng babae upang tuluyan na siyang makilala.

vuukle comment

SANGGOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with