^

Police Metro

Teroristang dayuhan naharang ng BI sa NAIA

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang Belgian na nasa listahan ng interpol ng mga hinihinalang dayuhang terorista ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang 31-anyos na pasahero, na itinago ang pangalan sa layuning pangseguridad ay tinanggihang makapasok noong Pebrero 7 ng NAIA- Terminal 3 dahil sa pagiging undesirable alien.

Sinabi ni Tansingco na agad pinabalik sa pinanggalingang lugar ang lala­king Belgian pagkatapos nitong dumating sa bansa sa pamamagitan ng isang Etihad flight mula sa Abu Dhabi.

Ang kanyang kasama, isang 27 taong gulang na babaeng Belgian, ay pinabalik din dahil sa pagsama nito sa nauna.

Sa ginawang beripikasyon, ang nasabing Belgian ay napapailalim sa isang diffusion notice na inisyu ng Interpol para sa umano’y pagkakasala sa pagkakasangkot nito sa krimen na may kaugna­yan sa terorismo.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with