^

Police Metro

2 Amerikanong convicted phedopile, naharang sa NAIA

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)  at pinabalik na sa Estados Unidos ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Amerikanong pedopilya na nagtangkang pumasok sa bansa  nitong nakaraang linggo.

Sa ulat ng BI-Border Control and Intelligence Unit, dumating sa NAIA Terminal 1 ang 56-taong gulang na si Nathan Lee Woodward noong Enero 27 mula sa Los Angeles, California.

Ngunit lumabas sa Border Control Information System ng BI na may “derogatory hit” si Woodward nang ma-scan ang kaniyang pasaporte ay dito natuklasan na nahatulan sa isang korte sa Nevada noong 1990 si Woodward dahil sa pang-aabusong sekswal sa isang 14-anyos na babae. Naitala ang kaniyang pangalan sa mga rehistradong “sex offender” kahit na napagsilbihan na niya ang kaniyang sentensya.

Samantala, nitong Pebrero 5 nang harangin at pauwiin rin ang American national na si Bennison Noveda Flores, makaraang lumapag siya sa NAIA Terminal 3. Nadiskubre na nakatala siya sa California State Registry na nahatulan sa kasong pang-aabuso sa isang batang babae.

Nauna rito, inilunsad ng BI ang Project #Shieldkids campaign, na humihikayat sa mga mamamayan na iulat ang sinumang dayuhan na “sex predators” na nasa bansa sa Facebook page na facebook.com/immigration.helpline.ph.

vuukle comment

NAIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with