^

Police Metro

Davao solons nagpasalamat sa ‘Bagong Pilipinas’ sa pagtulong sa mga biktima ng baha

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Lubos ang pasasalamat ng mga kongresista sa Davao sa Bagong Pilipinas sa mabilis na pagtulong sa mga biktima ng baha nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

Ang pinakahuling tulong na ipinarating ng mga ito sa mga biktima ay ang 51,000 food packs at pag-endorse sa P150 milyong cash assistance.

Ayon sa mga kongresista ang pagtulong sa mga biktima ay nagbibigay ng konteksto sa kung ano ang Bagong Pilipinas campaign ng administrasyong Marcos, na nakatuon sa isang all-inclusive plan para sa economic at social transformation ng mga Pilipino at mailapit ang gob­yerno sa mga mamamayan. Ang pasasalamat kina Marcos at Romualdez ay ipinaabot nina Davao Oriental Reps. Nelson Dayanghirang at Cheeno Almario, Davao del Norte Rep. Aldu Dujali, Davao de Oro Rep. Maricar Zamora, at PBA Party­list Rep. Migs Nograles na nakatanggap ng tig-P20 milyong halaga ng cash assistance.

Si Davao del Norte Vice Gov. Oyo Uy ay nilaanan naman ng P10 mil­yon halaga ng ayuda na ipamimigay nito sa mga apektadong residente.

Ang pondo ay galing sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inasikaso rin ni Speaker Romualdez, at Tingog Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre ang pamimigay ng mga food pack. “Damang-dama namin na andito ang ­ating pamahalaan at la­ging handang tumulong sa mga mamamayan.  Ito ang tunay na diwa ng Bagong Pilipinas,” wika ni Almario.

vuukle comment

BAGONG PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with