^

Police Metro

Act-Agri Kaagapay suportado ang BP rally

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Suportado ng ACT-Agri Kaagapay Organization ang panawagang pagkakaisa ng pamahalaan, sa isinagawang “kick-off rally” ng Bagong Pilipinas (BP) sa Quirino Grandstand sa Maynila kahapon.

Pinangunahan ni Ms.Virginia Rodriguez, Pangulo ng ACT-Agri Kaagapay, ang kanyang grupo para ipakita ang kanilang suporta sa liderato ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na magtungo sa Luneta Grandstand para saksihan ang mga programang inilatag sa okasyon.

“We support Bagong Pilipinas, we support Pre­sident BBM, nais naming maging parte ng pagbabago para sa ating sarili, komunidad at bayan,” ani Ms. Rodriguez.

Sinabi ni Ms. Rodriguez na ang pakikiisa nila sa rally ay upang lalong mag-alab ang pag-asa ng bawat isang Pilipino na naghahangad na mapabuti ang bansa sa pamamagitan ng sama-samang tugon at aksiyon sa mga magagandang programa ng gobyerno.

Pahayag pa ni Ms. Rodriguez, ang kanyang grupo ay patuloy na maninindigan at susuporta sa nais ng gobyerno na maiangat ang buhay ng bawat isang Pilipino at sa kapakinabangan ng susunod na henerasyon.

Namigay din ng ‘food pack’, meryenda at mi­neral water ang grupo ni Ms.Rodriguez sa mga kap­wa nila dumalo sa rally.

Si Ms. Rodriguez ay dating Reporter na ngayon ay isa nang negosyante at pilantropo.

vuukle comment

BAGONG PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with