^

Police Metro

Boksing nina Cong.Villafuerte at Mayor Mabulo, naudlot

Jorge Hallare - Pang-masa

MANILA, Philippines — Naudlot ang ­inaabangan ng mamamayan na boksing nina Camarines 2nd District Cong.Luis Raymund “LRay” Villafuerte at San Fernando Mayor Fermin Mabulo nang hindi sumipot ang una sa itinakdang laban nila noong Sabado ng hapon sa Jessie M. Robredo Coliseum sa Naga City.

Nabatid na alas-3:00 ng hapon ay dumating si Mayor Mabulo, kasama ang ilang supporter sa coliseum at handa nang makipagsuntukan pero hindi dumating si Cong.Villafuerte.

Ilang araw bago ang napagkasunduang laban ng dalawa ay nagpara­ting ng impormasyon ang kongresista na hindi siya makakarating dahil sa pagdating ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa ginawang paglulunsad ng “Bagong Pilipinas Serbisyo Caravan” sa bayan ng Nabua.

Bago ang araw ng laban ng dalawa ay nagkaroon nang mainit umanong patutsadahan sa pulitika ang dating magkaalyado hanggang sa unang nag­hamon ng boksing si Villafuerte kay Mabulo na agad namang tinugon ng huli.

Sa ilang posts sa social media ay ipinapakita pang kapwa nag-eensayo ang dalawa kung saan ayon sa impormasyon, ilang kilalang trainor sa boksing ng bansa ang kinuha ng dalawang opisyal para sa kanilang pagsasanay.

Kapansin-pansin na may mga nakapaskil na plackards ng laban ng da­lawa sa mga pangunahing kalye sa lungsod.

vuukle comment

BOXING

MAYOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with