^

Police Metro

P42 milyong puslit na bigas, sinamsam ng BOC

Danilo Garcia - Pang-masa
P42 milyong puslit na bigas, sinamsam ng BOC
Nabatid na sinalakay ng BOC-Port of Zamboanga katuwang ang Phi­lippine Coast Guard, Task Force Aduana, at Marine Battalion Landing Team 11 ng Philippine Navy ang bodega sa may Brgy. San Jose Gusu, Zamboanga City noong Mayo 19, 2023 na nagresulta sa pagkakatuklas sa nakaimbak na 42,180 sako ng Alas Jasmine Fragrant rice na may halagang P42 milyon.
Edd Gumban / File

MANILA, Philippines — Kinumpiska ng Bureau of Customs (BOC) ang nasa P42 milyong halaga ng smuggled na bigas na nasabat sa isang bodega sa Zamboanga City noong Mayo pa, makaraang ma­diskubre ang hindi pagkakatugma sa iprinisintang dokumento sa aktuwal na bigas.

Nabatid na sinalakay ng BOC-Port of Zamboanga katuwang ang Phi­lippine Coast Guard, Task Force Aduana, at Marine Battalion Landing Team 11 ng Philippine Navy ang bodega sa may Brgy. San Jose Gusu, Zamboanga City noong Mayo 19, 2023 na nagresulta sa pagkakatuklas sa nakaimbak na 42,180 sako ng Alas Jasmine Fragrant rice na may halagang P42 milyon.

Matapos nito, nagbigay ang kinatawan ng may-ari ng import documents para sa mga bigas na naaayon umano sa Section 224 ng Republic Act No. 10863, o ang “Customs Modernization and Tariff Act” (CMTA).

Ngunit nang isailalim sa berepikasyon, nadiskubre na ang nakumpiskang mga bigas ay hindi sakop ng Sanitary and Phytosa­nitary Import Clearance (SPSIC) mula sa Bureau of Plant Industry. 

Mayroon ding hindi tugma na detalye sa aktu­wal na nakumpiskang goods na idineklara sa dokumento.  Nakasaad sa dokumento na ang bigas ay “White Rice 15% Broken”, ngunit sa aktuwal na eksaminasyon ang nakumpiskang bigas ay “Jasmine Fragrant Rice.”

Nagpalabas ang BOC-POZ ng Order of Forfeiture laban sa mga subject na bigas dahil sa paglabag sa RA 10863 at RA 10845 o ang Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.

vuukle comment

RICE

SMUGGLED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with