^

Police Metro

LPG, instant noodles, tubig tinulak sa Price Act

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isinusulong  ng isang kongresista ang pag-amyenda sa Republic Act No. 7581 o ang Price Act upang isama ang liquefied petroleum gas (LPG), instant noodles, potable water sa container at kerosene sa mga produktong isailalim sa regular monitoring ng Price Coordinating Council (PCC).

Ayon kay Bicol Saro party-list Rep. Brian Raymund Yamsuan na naghain ng House Bill No. 7977, nais niyang amyendahan ang RA 7581 upang isama ang mga nabanggit na produkto at maprotektahan ang mga konsyumer mula sa hindi makatarungang taas-presyo partikular sa panahon ng kalamidad.

Ang LPG, instant noodles at tubig ay ilan lamang sa mga pangunahing pangangailangan ngayon ng bawat Filipino.

“The Price Act is due for an update. The Act has not included ‘new’ goods that by virtue of their mass and necessary usage, qualify as basic necessities,” ani Yamsuan.

Giit ni Yamsuan, panahon na para i-update ang Price Act para isama ang mga produktong maraming gumagamit o kumakain.

Ipinasa ang Price Act noong 1992 at nakasaad din sa batas ang pagbaba­wal na itaas ang presyo ng mga produktong nabanggit sa mga lugar kung saan may kalamidad at nasa ilalim ng state of calamity.

Sa naturang panukala, bibigyan ng kapangyarihan ang Price Coordina­ting Council (PCC) na magdagdag o mag-alis ng mga produkto sa listahan. Ang PCC ay pinamumunuan ng kalihim ng Department of Trade and Industry.

vuukle comment

PCC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with