^

Police Metro

6-anyos batang babae hinostage ng sariling ama

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinostage ng isang ama ang kanyang 6-anyos na bunsong anak na babae sa kanilang bahay sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa.

Sa ulat, bago nangyari ang pangho-hostage, alas-12:00 ng tanghali ng amang si John Eric Morales, 31, walang trabaho at nakatira sa 506 M.F. Jhocson Street, Brgy. 408, Sampaloc, May­nila sa kanyang bunsong anak na babae ay nakaaway muna nito ang kanyang misis kaya’t tumakas sa bahay karay-karay ang panganay at pangalawang anak at na­iwan ang bunso dahil tulog pa umano ito.

Naiwan ang anak na natutulog sa kuwarto at ito ay binuhat ng suspek sa roof deck ng A.P. Morales Rental Building sa may No. 506 M.F. Jhocson St., Brgy. 408, Sampaloc.

Inabutan ng mga pulis ang suspek na may armas na tari at nagbabanta na ga­gamitin niya ito sa kaniyang anak habang nakatutok ito sa batok ng bata.

Palihim na pumuwesto ang mga pulis sa hagdan ng roof deck habang nakiki­usap ang kinakasama ni Morales sa kaniya na sumuko na at maawa sa kanilang anak.

Lingid sa suspek, nag­plano ang mga pulis at kani­yang kinakasama na magbibigay ng senyales kapag bubuksan na ng suspek ang pinto ng roofdeck kung saan sila nakaabang.

Nang ibigay na ang hudyat sa paghawak ng babae sa kaniyang ulo, dito na dinakma ng mga pulis ang suspek at matagumpay na naihiwalay sa kanya ang bata at ang kaniyang armas na tari.

Ayon sa asawa ng suspek, hindi raw niya akalaing hahantong sa pangho-hostage ang kanilang away.

Sinabi umano ng suspek wala naman daw siyang balak na saktan ang kanyang anak nais lamang niya ay makausap ang kanyang asawa.

vuukle comment

HOSTAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with