^

Police Metro

5,000% pagtaas sa mass gathering violations naitala

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanawagan si Interior Secretary Eduardo Año ng mas mahigpit na implementasyon ng COVID-19 protocols bunsod ng mabilis na pagsirit ng mga paglabag sa iba’t ibang bahagi ng bansa kabilang na ang mass gathering offenses na umakyat na sa 5,469%.

Binigyan na ni Año ng direktiba ang Philippine National Police (PNP) at local government units (LGUs) na mas istrikto pang ipatupad ang health protocols.

Tiniyak ng DILG chief na hindi papayagan na magkakaroon muli ng COVID surges or spikes sa bansa kahit na meron pong projection or prediction na maaari pong sumipa ang COVID sa susunod na mga buwan or linggo.

Nabatid na mula Abril 15 hanggang 24 lamang ay nakapagtala na sila ng 724 mass gathering vio­lations o pagtaas ng 5,469%, kumpara sa 13 insidente lamang noong nakaraang linggo.

Tumaas rin naman ang no physical distancing violations sa 9,057 o 201% pagtaas mula sa 3,002 lamang­ noong nakaraang linggo.

Ang hindi pagsusuot naman ng face masks ay naitala sa numerong 84,969, o 196% increase mula sa dating 28,622 lamang.

Ayon kay Año, sa ngayon ay wala namang lugar sa bansa ang nakasailalim pa sa granular lockdown ngunit nagpahayag ng pagkabahala sa posibleng pagtaas ng mga bagong kaso ng sakit dahil sa dumaraming bilang ng mga protocol violations.

vuukle comment

HEALTH PROTOCOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with