^

Police Metro

Ginang timbog sa P27.6 milyong shabu

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 46-anyos na ginang ang naaresto ng mga otoridad nang masamsam dito ang tinanggap niyang bagahe na galing sa India na naglalaman ng P27.6 milyon shabu, kamakalawa ng gabi sa Southville Subdivision, Brgy. Aguado, Trece Martirez City.

Kinilala ang naarestong suspek na si Leonila Dela Cruz, residente ng Blk. 2, Lot 18, Phase 2A, Southville ng nasabing barangay.

Sa ulat ng pulisya, Abril 7 nang dumating sa BOC Port Clark ang bagahe mula sa bansang India na kung saan ay na-detect sa x-ray machine na droga ang laman.

Nagsagawa ng plano ang mga otoridad na sundan ang padadalhan ng mga package na naka-address sa bahay ng suspek kaya’t nang tanggapin ito ay dito na siya inaresto.

Ayon naman kay Dela Cruz, wala umano siyang alam kung ano ang laman ng package, ang alam niya lang ay may darating na package dahil tinawagan umano siya at kinausap ng hipag niya na siyang may-ari ng bahay at sinabing siya ang tumanggap na ipapadala umano ng anak nito galing ng Dubai.

Nang buksan ng mga otoridad sa harap ni Dela Cruz ang nasabing package ay bumulaga ang may ilang balot na droga na nasa 4 na kilong shabu na aabot sa halagang P 27, 600, 000.00 .

Malaki naman ang paniniwala ng mga otoridad na walang kinalaman si Dela Cruz sa laman ng package dahil siya lamang ay libre sa bahay. - Mer Layson

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with