^

Police Metro

Pambili ng paputok i-donate na lang sa mga biktima ng ‘Odette’

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nanawagan si acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na sa halip bumili ng papu­tok para salubungin ang Bagong Taon ay mas makakabuti na i-donate na lang ang kanilang perang pambili sa mga biktima ng bagyong Odette.

Ito ay matapos na inulat kamakalawa ng Department of Health (DOH) na mayroon ng 25 firecracker-related injuries bago pa ang Bagong Taon.

Anya, sa halip na igastos sa paputok, sa ipinagbabawal na firecrackers ay ibigay na lang ang perang pambili nito sa mga kababayan natin na lubhang naapektuhan ng bagyong Odette.

Paliwanag pa niya na may nilagdaang executive order noong 2017 si Pangulong Duterte kung saan nakasaad na ang paputok ay kinakaila­ngan lamang na gamitin sa community fireworks displays para mabawasan ang panganib na magtamo ng sugat o may mamatay sa gagamit nito.

Ang community fireworks ay kinakailangan umano na gawin sa ilalim ng superbisyon ng trained person na lisensiyado ng Philippine National Police (PNP).

vuukle comment

BAGYONG ODETTE

KARLO NOGRALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with