^

Police Metro

Mag-utol dinedbol ng hitman

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang magkapatid ang nasawi nang sila ay pagbabarilin ng hindi pa kila­lang salarin, kamakalawa sa Purok Mangga, Brgy. Poblacion, Lebak, Sultan Kudarat.

Ang magkapatid na nasawi ay kinilalang sina Jomar Intal, alyas Tato, 38, may-asawa at kapatid na si Salim, nasa hustong gulang may asawa; kapwa mga obrero at nakatira sa Barangay Obial, Kalamansig, Sultan Kudarat.

Ayon sa pulisya, pa­sado alas-7:00 ng umaga ay sakay ng motorsiklo ang magkapatid patungo sa kanilang trabaho nang makasalubong ang suspek na sakay din ng motorsiklo.

Lumabas sa imbestigasyon na pasado alas-7:00 ng umaga ay patungo ang mga biktima sa kanilang pinagtatrabahuhan lulan ng motorsiklo nang makasalubong nila ang gunman na sakay din ng motorsiklo at sila ay hinarang.

Nagtalo ang suspek at magkapatid hanggang sa bumunot ng baril ang una at pinagbabaril ang mga huli.

Tumakas ang suspek habang ang magkapatid ay dinala sa ospital, suba­lit idineklarang dead on arrival.

Personal na alitan ang sinisilip ng pulisya sa mo­tibo ng krimen.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with