^

Police Metro

PGH, Lung Center humihingi ng dagdag na healthcare workers

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga pasyenteng may COVID-19 bunsod na rin sa pagtataas ng kanilang kapasidad ay humihingi na ng dagdag na healthcare workers (HCWs) ang Philippine General Hospital at Lung Center of the Philippines (LCP) sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni PGH spokesperson Dr. Jonas Del Rosario na nasa 30-40 HCWs ang hiling nila sa DOH.

Ito ay makaraang magdagdag na sila ng bilang ng COVID-19 beds na aabot na sa 225 kasama na ang kanilang emergency room.  Nasa 190 na rin ang COVID patients na nakaratay sa pagamutan.

Iginiit niya na maaa­ring magdulot sa pagbagsak ng operasyon ang limitadong bilang ng HCWs dahil sa maaaring magkasakit pa dahil sa sobrang pagod ang mga naka-duty nilang tauhan ngayon.

Humingi naman ng dagdag na 30 pang nurses sa DOH noon pang nakaraang linggo ang LCP.

Ayon kay LCP spokesperson Dr. Norberto Francisco, posibleng ganito rin ang sitwasyon ngayon ng iba pang mga pagamutan sa Metro Manila.

vuukle comment

HEALTH WORKERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with