^

Police Metro

Most wanted hired killer sa Maynila, dedo sa engkuwentro

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang notoryus na propesyunal na hitman ang nasawi sa engkuwentro sa mga umaarestong pulis kamakalawa ng gabi sa San Rafael, Bulacan.

Ang suspek na napatay ay kinilalang si Leopoldo Dumdumaya Jr., alyas JR Demonyo, top 1 most wanted ng Manila Police District (MPD) at number 1 hitman ng Balong Drug Group. Habang nadakip ang kaniyang live-in partner na si Darlene Manapsal, 24, at kapatid niya na si Darren Manapsal, 25.

Sa ulat ng MPD-District Intelligence Division-District Intelligence and Operations Unit (DID-DPIOU), alas-8:45 ng gabi nang magkasa ng operasyon katuwang ang Bulacan Police Provincial Office (BPPO) makaraang makumpirma na nagtatago ang suspek sa Sitio Bacood, Tambubong, bayan ng San Rafael sa Bulacan.

Nakatunog umano ang suspek sa mga paparating na pulis kaya’t pinutukan niya ang mga ito kaya’t nagkaroon ng palitan ng putok hanggang sa mapuruhan si Dumdumaya at naaresto ang dalawang kasama.

Si Dumdumaya ang itinuturong responsable sa pagpatay sa dalawang barangay kagawad at isang pulis sa Maynila.

Nakumpiska ng mga pulis ang isang kalibre .45 baril na ginamit umano ng suspek sa pakikipagbarilan, apat na medium size na plastic sachet at isang maliit na plastic sachet na naglalaman ng kabuuang limang gramo ng shabu.

vuukle comment

HIRED KILLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with