^

Police Metro

Tiyo pinagsasaksak ng screwdriver

Cristina Timbang - Pang-masa

Pamangkin nairita sa ‘home quarantine’

CAVITE, Philippines — Tinadtad ng saksak ng isang 18-anyos na binata gamit ang screwdriver ang kanyang tiyuhin matapos ang ginawang panenermon sa kanya upang magpirmi sa bahay dahil sa ipinatutupad na home qua­rantine at curfew sa COVID-19 kamakalawa ng gabi sa Brgy. Zapote V, Bacoor City.

Tadtad ng saksak ng screwdriver sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Romyr Raves, 27-anyos, pedicab driver na hindi na umabot nang buhay sa pagamutan habang arestado ng pulisya ang suspek na si Alexander Chan; kapwa residente ng Sitio Kanluran Longos, Brgy. Zapote V, Bacoor City.

Sa imbestigasyon ni Pat. Jerome Asid, alas-7:30 ng gabi nang maganap ang insidente, nagtalo umano ang magtiyuhin hinggil sa mga maling gawain ng suspek at palagian nitong pagtambay kasama ang barkada.Pinagsabihan ng biktima ang pamangkin na may curfew at home  quarantine sa kanilang lugar kaya bawal munang maglalabas. Gayunman, ikinagalit umano ito ng suspek hanggang sa kumuha ng screwdriver at sinugod ng mga saksak ang tiyuhin.

vuukle comment

HOME QUARANTINE

KRIMEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with