^

Police Metro

Si Trillanes ang totoong ‘Bikoy’ - Go

Pang-masa
Si Trillanes ang totoong �Bikoy� - Go
Ayon pa kay Go, dalawang beses siyang naghubad sa publiko, para lamang patunayan na mali ang sinasabi ni Bikoy at ni Trillanes na meron siyang tattoo na nagsasabi na miyembro siya ng sindikato.
The STAR/Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Hayagang na sinabi ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na si dating Senador Antonio Trillanes IV ang totoong “Bikoy” na nagplanong sirain at pabagsakin ang administrasyon ni Pangulong Duterte.

Ito ang naging tugon ni Go, sa paratang ni Trillanes na binu-bully siya ng presidente at ni Go, kasunod ng paglabas ng warrant of arrest sa dating senador sa kasong isinampa sa kanya na conspiracy to commit sedition. Agad ding nagpiyansa si Trillanes nitong Martes.

“Ang totoong Bikoy ay si Sonny Boy (Trillanes). ‘Yan ang totoong mayabang. Kahit saan ka pumunta, magli­liparan tayong lahat dahil sa sobrang hangin mo. Alam ng tao yun,” ayon kay Go.

Ang tinutukoy ni Go ay ang naka-hood na lalaki na nagpakilalang si alyas Bikoy sa serye ng video na inilabas sa online na iniuugnay noon ang pangulo at kanyang pamilya, maging si Go sa sindikato ng droga. Kalaunan ay isang ex-convict na nakilalang si Joemel Advincula ang lumutang at nagpakila­lang siya ang nasa likod ng video.

“Sino bang magpi-finance kay Bikoy? Kaya ba niyang magbayad ng mga ginawang video na paninira eh milyon milyon ang halaga nun,” dagdag ni Go kasabay ng giit na walang iba kundi si Trillanes ang nasa likod nito.

Ayon pa kay Go, dalawang beses siyang naghubad sa publiko, para lamang patunayan na mali ang sinasabi ni Bikoy at ni Trillanes na meron siyang tattoo na nagsasabi na miyembro siya ng sindikato.

Nanindigan din si Go na nakahanda niyang harapin ang banta ni Trillanes na patung-patong na kaso ang isasampa sa kanila kapag natapos ang termino ng pangulo.

“Hindi ako tulad sa yo. Pagdating ng panahon, pagbaba ng amo ko, hindi ako magtatago, pero papa-injection kami ni pangulo ng anti-rabies. Baka makagat kami ng asong ulol,” ani Go.

vuukle comment

CHRISTOPHER LAWRENCE GO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with