2 pang Taal evacuees sa Batangas, namatay
MANILA, Philippines — Apat ng evacuees sa Batangas ang nasasawi matapos dalawa pa ang namatay nitong Miyerkules nang lumala ang kondisyon ng kanilang taglay na karamdaman sanhi ng pagputok ng Bulkang Taal.
Kinilala ang bagong mga nasawi na sina Vivenca Dalisay at Elmer Salvia.
Sa ulat, bandang alas -3:00 ng hapon nang matanggap ng pulisya ang ulat hinggil sa pagkamatay ni Dalisay sa Batangas Medical Center matapos itong isugod sa nasabing pagamutan noong Enero 19 sanhi ng anemia secondary to upper gastro intestinal bleeding.
Habang si Salvia ay isinugod sa St. Frances Cabrini Medical Center sanhi ng stroke na binawian ng buhay noong Enero 22, dakong alas -12:00 ng tanghali habang ginagamot.
Nabatid na lumala ang kondisyon ng dalawang biktima habang nasa evacuation center Unang nasawi nitong nakalipas na linggo ang dalawang babaeng evacuees na sina Felina de Roxas, 57 ng San Nicolas, Batangas dahil sa atake sa puso at Violeta Reyes, 84 ng San Pascual Batangas dahil sa tuberculosis.
- Latest