^

Police Metro

Ambush: Vice Mayor, 2 pa todas

Mer Layson - Pang-masa
Ambush: Vice Mayor, 2 pa todas
Dead-on-arrival sa Siocon District Hospital si Vice Mayor Gani Esmali habang kapwa nasawi noon din ang dalawang kasama nito na sina Police Corporal Godelito Bongcac at Jaymalin Ja­labi Tunggal.
File

MANILA, Philippines — Nasawi ang vice mayor ng Bali­guian, Zamboanga del Norte at dalawang kasamahan nito habang sugatan ang isa pa nang ratratin ng mga di kilalang salarin ang kanilang sinasakyang SUV sa Brgy. Sta. Maria, Siocon, Zamboanga del Norte, kahapon ng tanghali.

Dead-on-arrival sa Siocon District Hospital si Vice Mayor Gani Esmali habang kapwa nasawi noon din ang dalawang kasama nito na sina Police Corporal Godelito Bongcac at Jaymalin Ja­labi Tunggal.

Isa pang kasama nila ang sugatan naman at nilalapatan na ng lunas sa nasabing pagamutan si Abduladjid Ibno Bairula.

Batay sa ulat ng pulis­ya, dakong alas-11:30 ng tanghali nang maganap ang krimen sa Brgy. Sta. Maria, Siocon.

Sakay umano ang mga biktima ng kulay gray na Isuzu Mux na pagmamay-ari ng bise alkalde at patungo sana sa Siocon nang tambangan sila at pagbabarilin ng mga di kilalang salarin, na di pa batid ang bilang at pagkakakilanlan.

Nang maisagawa ang krimen ay mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng isang kulay dirty white na van na walang plaka patungo sa munisipalidad ng  Gutalac, Zamboanga del Norte.

Nagsagawa naman kaagad ng dragnet operation ang mga awtoridad laban sa mga suspek, ngunit wala pang kumpirmasyon kung naaresto ang mga ito.

Masusi na ring iniimbestigahan ng mga awtoridad ang krimen upang matukoy ang motibo at sinu-sino ang mga taong nasa likod nito.

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with