^

Police Metro

Resulta ng CSP kinuwestiyon P4P

Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinuwestiyon ng Power for People Coalition (P4P) sa Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagpasa ng anim na power supply agreements (PSA) mula sa katatapos na Competitive Selection Process (CSP) nang maghain ito ng “petition for intervention” noong Nobyembre 9.

Ayon kay Gerry Aran­ces, convenor ng P4P na nakakaalarma ang pag-iwas sa biddings ng kanilang power supply agreement at pagkalipas ng dalawang taon ay pumasok na dito ang Competitive Selection Process upang mapanatili ang nasabing power consumers na nakakasira sa kalikasan.

Aniya, sa anim na PSAs na kasalukuyang nasa proseso para sa pag-aapruba ng ERC, umaabot ng  1,460 MW ay mula sa ‘coal’ o karbon at ang iba ay ‘fossil fuels.’

Minamadali ng PSA ang pag-aapruba sa bagong PSA’s dahil ang umiiral na kontrata na 1,905 MW, at mula sa ‘coal-fired power plants’ at mapapaso na ngayong buwan ng Dis­yembre.

Sa kontrata na magtatapos ngayong taon ay kabilang ang PSAs, ang Masinloc coal-fired power plant (430 MW), Therma Luzon coal plant (350 MW), at coal facility ng San Miguel Energy Corporation (430 MW).

Binigyang diin naman ni Ian Rivera, National Coordinator of the Philippine Movement for Climate Justice, na isang kasinungalingan ang sinasabing serbisyo ng PSA sa kanilang mga konsyumer, dahil ang pagsusunog ng maraming karbon ay magiging sanhi ng malalalim na pagbaha sa bansa.

vuukle comment

POWER FOR PEOPLE COALITION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with