^

Police Metro

Pag-hostage ng bangkay may P1 milyong multa

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang panukalang batas ang umusad na sa Senado na naglalayong pagmultahin ng P1 milyon at ikulong ng hanggang 6 na taon ang mga administrador ng mga ospital na magho-hostage ng bangkay ng mga pasyenteng hindi mabayaran ng pamil­ya ang hospital bill.

Kaparehong parusa rin ang isinusulong para sa mga may-ari ng ospital na tatangging magpalabas ng mga pasyenteng magaling na pero nagkabaon-baon sa utang sa ospital.

Layunin ng panukalang batas ni Senator Risa Hontiveros na palakasin pa ang anti-hospital detention law na dininig naman ng Senate Committee on Health and Demography, na pinamumunuan ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go.

Idinagdag din ni Hontiveros na ang mga ospital ay dapat nanggagamot at hindi nagkukulong ng mga tao at kapag naging ganap na batas, magkakaroon ng Anti-Hospital Detention Fund upang matulungan sa pagbabayad ang mga mahihirap na pasyente.

vuukle comment

HOSPITAL BILL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with