^

Police Metro

8 Bangkay itinapon sa bangin

Joy Cantos, Raymund Catindig - Pang-masa
8 Bangkay itinapon sa bangin
Inaalam ng mga kaanak ang isa sa walong bangkay na iniahon sa bangin matapos matagpuan ang mga ito ng mga residente ng Sitio Poyopoy, Brgy., Taloy Sur, Tuba, Benguet dahil sa umalingasaw na baho. Hinala ng pulisya ang walong bangkay ay pinatay sa ibang lugar at doon lang itinapon.
File

MANILA, Philippines — Pinaniniwalaan ng pulisya na biktima ng salvage ang walong bangkay na ang dalawa dito ay kalansay na nang matagpuan sa bangin ng highway sa Sitio Poyopoy, Taloy Sur, Marcos Highway, Tuba, Benguet, kamakalawa at kahapon.

Ayon sa pulisya nagmistulang “killing fields” ang lugar sa pagtatapon ng bangkay ng hindi pa kilalang mga suspek.

Sa pagsisiyasat ng SOCO, apat sa mga bangkay ay itinapon dalawang linggo na ang nakalipas, isa ay noong nakaraang buwan at ang dalawang kalansay ay itinapon noon pang isang taon at ang ikawalong bangkay ay nakita kahapon na pawang mga kalalakihan.

Isa sa bangkay ay kinilala ng kanyang kapatid at ama na si Fahad Macalanggan, 28 dahil sa  mga tattoo nito sa katawan.

Si Macalanggan ay tubong Maranaw at residente ng Pinewood, Crystal Cave, Baguio City.

Ang apat sa mga naa­agnas na bangkay ay pinatay sa saksak.

Nadiskubre lang ang mga bangkay matapos umalingasaw sa mga residente sa lugar ang masangsang nitong amoy.

vuukle comment

BANGIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with