^

Police Metro

Tatlo na galing birthday party, niratrat

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Napalitan ng trahedya ang masayang birthday party na pinuntahan ng tatlong katao matapos na masawi ang isang babae habang kritikal ang isa pa nang sila ay harangin at pagbabarilin habang papauwi na kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Namatay habang ginagamot sa Tondo Medical Center dahil sa tama ng bala at ulo ang biktimang si Yrria Jean Quilo, 28, ng B-5, L-5, Sapadaca, Sitio 6, Brgy. Catmon. Habang nasa kritikal na kalagayan ang dalawang kasama na sina Marivic Damaso, 30; at Leo Buenaventura, 30.

Sa ulat, dakong alas-10:10 ng gabi sa may Sitio 6 Brgy. Catmon ay naglalakad pauwi ang tatlo nang harangin sila ng limang lalaki at walang kaabog-abog na pinagbabaril ang mga biktima.

Tatlo sa limang namaril sa mga biktima ay kinila­lang sina alyas “PJ Montejo”; alyas “Warren” at alyas “Kim”.

vuukle comment

TONDO MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with