Oil firms magrorolbak ng presyo
MANILA, Philippines — Ngayong darating na Linggo ay nakahanda ang mga kumpanya ng langis na magrolbak sa presyo sa kanilang produkto.
Inihayag ng Jetti Petroleum, maaaring bumaba ng P.05-P.10 sentimos kada litro ang presyo ng kanilang diesel habang P.05 sentimos kada litro o maaaring hindi naman gumalaw ang presyo ng gasolina.
Sumunod ang Unioil Petroleum Philippines na P.10 sentimos sa presyo ng diesel lamang ang iro-rolbak habang hindi gagalaw ang presyo ng kanilang gasolina.
Ang katiting na rolbak ay posibleng ipatupad bukas at kasunod ng mataas na ipinatupad na dagdag-presyo bago mag-Mahal na Araw kung kailan nagtaas ng P1.05 sa kada litro ng gasolina at P.75 sentimos sa kada litro ng diesel.
Batay sa datos ng Department of Energy (DOE), naglalaro sa P52.90-P59.86 na ang kada litrong presyo ng gasolina habang ang diesel ay mula P41.94-P46.25 kada litro kasama na ang bagong excise tax.
- Latest