^

Police Metro

Bultong baril at bala nasamsam... Gunrunner timbog sa Valenzuela

Danilo Garcia - Pang-masa
Bultong baril at bala nasamsam... Gunrunner timbog sa Valenzuela

MANILA, Philippines —  Timbog sa mga otoridad ang isang itinuturong kilabot na gunrunner matapos makumpiskahan ng ilang uri ng baril at bultu-bultong mga bala makaraang ­salakayin ng mga pulis ang tahanan nito sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

 

Himas-rehas na nga­yon ang nasakoteng suspek na si Ariel Alberto, 48-anyos, isang driver, at nakatira sa Roberto Street, Sitio Sto. Rosario, Brgy. Maysan, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, ginawa ang pagsalakay sa bahay ni Alberto dakong ala-1:00 ng hapon ng mga tauhan ng Police Community Precinct 10 makaraang makatanggap ng ulat ng pag-iimbak ng baril at bala ng suspek.

Armado ng search warrant, pinasok ng mga pulis ang bahay ng suspek at nakumpiska ang isang 12 gauge shotgun, isang kalibre .22 rifle, tatlong kalibre .38 baril, isang kalibre .32 revolver, isang kalibre .22 magnum revolver, isang kalibre .22 airgun rifle, isang replica pistol, dalawang kalibre QMM (quarter minute magnum) pistols, at nasa 500 piraso ng iba’t ibang uri ng bala. Dito pinosasan ng pulisya ang suspek na si Alberto at idiniretso sa istasyon kung saan isinasailalim siya sa masusing imbestigasyon.  

Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Illegal possession of firearms and ammunitions sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

GUNRUNNER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with